ANG BABAE:
- Dapat nilalapitan, hindi pinapalapit.
- Dapat nililibre, hindi pineperahan.
- Dapat sineseryoso, hindi niloloko.
- Dapat pinapasaya, hindi pinapaasa.
- Dapat inaalagaan, hindi pinapabayaan.
- Dapat nirerespeto, hindi binabastos.
- Dapat ipinagmamalaki, hindi ikinakahiya.
- Dapat pinapangiti, hindi pinaiiyak.
- Dapt inuuna, hindi binabalewala.
- Dapat minamahal, hindi sinasaktan.
Maraming mga senyales kung ayaw na sa iyo ng isang lalake:
- Nagdadahilan para di kayo magkita (e.g. busy, overtime)
- Minsan na lang o hindi nagtetext back
- Hindi sinasagot ang mga tawag / hindi nagrereturn call
- Pag nagkita kayo, nagmamadaling umuwi o di kaya’y distracted na parang may ibang iniisip
- Hindi maalala ang mga importanteng araw (birthday, anniversary) at nakakalimutan din magregalo
- Nagsisinungaling
- Hindi na malambing o kasinlambing tulad ng dati
- Maaaring mahuli mo o ng mga kaibigan mo na may ibang kasamang babae. Kapag na confront, magdadahilan na kaibigan lang o classmate o former classmate yon at masyado kang selosa.
- Palaging nagpapapogi and/or nagpapabango na di naman nya usual na gawain.
- Naghahanap ng dahilan para lang mag-away palagi (leading to break-up).
Kailan pa kaya ako makakakita ng lalaking titingin sa akin ng ganito

yung lalaking sa tingin palang niya alam mo nang mahal na mahal ka niya <3

Maliit na bagay.
Minsan kahit maliliit na bagay apektado ka. Kahit sabihin pa nilang “maliit lang na bagay pag aawayan niyo pa”. Ang mga babae kahit nasasaktan na, palihim lang kumbaga di niya muna sinasabi kasi nga gusto ng mga babae na kayo mismo mga lalake ang magsabi sa mga babae. Ang problema sa mga lalake hinihintay pa nilang mahuli sila bago magsabi ng totoo. Isa lang ‘to sa mga dahilan kung bakit nag aaway kayo.
Mabuti pa ang FACEBOOK may TIMELINE, eh ako di mo mabigyan ng TIME kahit hindi ako ang una sa LINE.

boom!




